Monday, August 7, 2017

                                       GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN  




                 Mahalaga ang wika sa ating lipunan,dahil kung walang wika tayong ginagamit hindi tayo magkakaintindihan at maipahayag ang ating mga saloobin.Mahalaga ang wika sa ating lipunan dahil malaman mo ang mga saloobin ng bawat tao,Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

                           Mahalaga ang wika dahil may mga gamit ng wika sa lipunan tulad ng Interaksiyonal na  pagpapanatili ng mga  relasyong  sosyal,Instrumental na tumutulong sa mga tao para maisagawa niya ang kanilang gustong gawin,Regulatoryo na nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol ng mga ugali o asal ng ibang tao,Personal nagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal,Heuristiko naginagamit ng tao upang matutoat magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo,Impormatibo ang wika ng upang ipaalam ang ibat ibang kaalaman at insight sa mundo kaya mahalaga ang wika sa ating lipunan upang magkaisa tayo at magkaintindihan.

1 comment: